Home METRO 800 marijuana, winasak sa Bukidnon

800 marijuana, winasak sa Bukidnon

1
0

BUKIDNON, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang 800 fully grown na halamang marijuana sa isang anti-illegal drugs operation sa liblib at bulubunduking bahagi ng Sitio Salumayag, Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon noong Lunes.

Ayon kay Police Captain Sheila Joy Jangad, tagapagsalita ng Bukidnon Provincial Police Office, isinagawa ang operasyon ng pinagsamang pwersa ng 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 10, 1003rd Maneuver Company, at 89th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Umabot sa mahigit limang oras na paglalakad sa matarik na lugar ang mga operatiba bago marating ang taniman.

Ayon sa mga awtoridad, itinanim ang marijuana kasabay ng cassava at tobacco upang maitago ito sa publiko.

Tinatayang nasa ₱150,000 ang halaga ng mga sinirang halaman.

Karamihan sa mga ito ay sinunog sa lugar habang kumuha ng samples para sa laboratory examination bilang ebidensya.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at mahanap ang may-ari ng lupang pinagtaniman ng marijuana. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here