Inirekomenda ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na sampahan ng kaukulang kaso ang mga may-ari ng resort na nagpapahintulot sa mga dayuhan na gamitin ang kanilang mga pasilidad para sa mga ilegal na aktibidad.
Ginawa ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang panawagan kasunod ng pagsalakay sa isang ilegal na online gaming hub noong Sabado, Agosto 31, sa isang resort sa Barangay (village) Agus sa Lapu-lapu City, Cebu.
Ang isinagawang pagsalakay sa Lapu-Lapu City ay isinagawa ng mga operatiba ng BI sa pakikipag-ugnayan sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Center on Transnational Crime (PCTC), ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We suggest to the authorities to file cases against resort owners who allow their properties to be used by illegal aliens in their covert operations,” pahayag ni Tansingco.
“This will serve as a warning to those who might attempt to start illegal online gambling operations, which has already been banned by the President,” dagdag pa ng opisyal.
Nabatid sa BI na nasa mahigit 100 dayuhan ang naaresto sa isinagawang raid sa resort.
Isinagawa ang pagsalakay batay sa mission order ni Tansingco laban sa 13 illegal aliens na namonitor na overstaying at nagtatrabaho nang walang permit sa resort.
“During the raid, hundreds of foreign nationals were found to be engaged in illegal online gaming operations on makeshift work stations inside the resort premises,” ayon sa BI.
“The arrested foreign nationals will undergo inquest proceedings and will be temporarily detained prior to deportation,” dagdag pa ng BI. Jay Reyes