ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “The Grid” — isang gusali na may 7,021.88-square-meter gross floor area sa Mandurriao sa Iloilo City — bilang special economic zone (SEZ) at pinalawak ang Lima Technology Center-Special Economic Zone sa Malvar, Batangas.
Sa ilalim ng Proclamation 668, ipinalabas ni Pangulong Marcos noong Agosto 27, Ang ‘The Grid’ ay matatagpuan sa Donato Pison Avenue sa Barangay San Rafael, Mandurriao, Iloilo City, at may 2,334-square-meter property kung saan ito nakatayo, itinalaga bilang isang SEZ.
Pinalawak ng Proclamation 670 ang Lima Technology Center-Special Economic Zone na may pinagsama-samang lugar na 313,491 square meters. Kabilang na rito ang karagdagang lote sa Barangay Bagong Pook sa Munisipalidad ng Malvar, Batangas.
Ang Special Economic Zone Act (SEZs) ay ipinapakahulugan bilang “selected areas with highly developed or which have the potential to be developed into agro-industrial, industrial tourist/recreational, commercial, banking, investment, and financial centers.”
Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), mayroong 419 economic zones sa bansa “as of April 2023”, kabilang na ang 297 information technology parks o centers.
Sa ilalim ng mandato nito, ang PEZA ay inatasan na i-promote ang pagtatatag ng economic zones sa Pilipinas para sa foreign investments.
Samantala, inaprubahan naman ng ahensiya ang P36.287 bilyong halaga ng investment sa unang limang buwan ng 2024.
Target nito na aprubahan ang P200 billion na investments ngayong taon. Kris Jose