Home METRO Nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, umabot na sa 45 – NDRRMC

Nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, umabot na sa 45 – NDRRMC

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 45 ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa katimugang bahagi ng Mindanao noong Lunes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling situational report na inilabas Miyerkules ng umaga, naitala rin ang 487 sugatan at 17 katao na nananatiling nawawala.

Sa kabuuang bilang ng mga nasawi, 33 ang mula sa Soccsksargen Region (Region 12) at 12 naman sa Davao Region (Region 11). Ayon sa NDRRMC, patuloy pa ring bineberipika ang mga datos.

Apektado ng lindol ang 33,596 pamilya o kabuuang 149,372 katao sa Mindanao at mga karatig na lugar.

Nasa halos 3,000 bahay rin ang naitalang nasira habang libu-libong residente ang nananatili sa mga evacuation center.

Patuloy naman ang search, rescue, relief, at recovery operations ng mga awtoridad sa mga lugar na matinding naapektuhan ng sakuna. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here