Home NATIONWIDE PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC

PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC

NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal.

“As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based international order and pursue the peaceful resolution of disputes,” ang sinabi ng National Maritime Council (NMC) sa isang kalatas.

Gayunman, tiniyak ng NMC sa publiko na ang Pilipinas “will not succumb toacts ofharassment and aggressive behavior.”

Sinabi pa ng NMC na patuloy na paninindigan ng Pilipinas ang “soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon” nito sa WPS.

“China’s latest actions are uncalled for as the Philippine vessel was engaged in a peaceful and lawful patrol within itsownmaritime jurisdiction,” ang sinabi ng NMC.

Sa press briefing, sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sinadya ng Chinese Coast Guard (CCG) vessel 5205 na banggain ang PCG vessel BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), tatlong beses sa bisinidad ng Escoda Shoal.

Inilagay ng agresibong pagmamaniobra ng CCG vessel ang buhay at naging dahilan ng matinding pinsala sa BRP Teresa Magbanua habang nagsasagawa ng routine patrols sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Iginiit ng NMC na ang presensiya ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, na nakahimlay sa 75 nautical miles mula sa Philippine baselines, ay “legal and isin accordance withinternational law, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award.”

Nanawagan ang NMC sa CCG “exercise restraint and prioritize the safety of vessels at sea and aircraft within our airspace”.

“The Philippines will continue its sovereign operations in its maritime zones. The BRP Teresa Magbanua will remain and maintain its operations in the West Philippine Sea,” ayon sa NMC sabay sabing ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagsasagawa ng “routine maritime activities, protecting its territory at maritime zones, at pagdepensa sa katubigan laban sa environmental degradation at iba pang illegal activities. Kris Jose