Home NATIONWIDE Kasunduan sa Tsina sa Ayungin target palawigin ng Pinas

Kasunduan sa Tsina sa Ayungin target palawigin ng Pinas

MANILA, Philippines – MASUSING pinag-aaralan ng Pilipinas ang posibleng pagpapalawak sa saklaw ng “provisional arrangement” sa ‘rotation and resupply (RORE) missions sa Ayungin Shoal sa Tsina para sakupin ang ibang lugar sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni Newly-appointed National Maritime Council (NMC) spokesperson Alexander Lopez sa press briefing sa Malakanyang kasunod ng pinakabagong insidente sa WPS kung saan dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels ang napinsala matapos na i-harass at banggain ng barko ng China Coast Guard (CCG) sa katubigan na katabi ng Escoda Shoal, araw ng Lunes.

Sinabi pa ni Lopez na ang arrangement ay naging “useful” sa pagtiyak ng napananahong probisyon ng suplay sa tropa na naka- stationed sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Maybe that’s one area where maybe the scope of the understanding between the two countries, baka – this has been seriously studied by our Department of Foreign Affairs – baka pwedeng ma-extend in other areas in our maritime domain,” ayon kay Lopez.

Sinabi pa nito na hahayaan nila ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralan ang posibleng ekspansyon ng ‘arrangement.’

Ang ‘provisional arrangement’ ay napagkasunduan ng Pilipinas at Tsina noong nakaraang buwan para ‘deescalate’ ang situwasyon sa South China Sea at pangasiwaan ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon.

Kasunod naman ito ng serye ng komprontasyon sa Ayungin Shoal, kung saan ang nakasadsad na BRP Sierra Madre ay nagsisilbing outpost ng bansa. Kris Jose