Home NATIONWIDE Katarungan Caravan sa mga biktima ng Marawi siege, inumpisahan na

Katarungan Caravan sa mga biktima ng Marawi siege, inumpisahan na

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang pagbibigay ng libreng legal assistance sa mga internally displaced persons (IDPs) at iba pang biktima ng 2017 Marawi siege upang makatulong pagproseso ng kanilang claims para sa kompensasyon.

Ang claims ng mga kwalipikadong qualified IDPs ay salig sa Republic Act No. 11696 o ang pagkakaloob ng pera matapos masira ang kanilang ari-arian o may mahal sa buhay ang nasawi bunsod ng naging giyera sa pagitan ng government troops at mga rebelde na umabot ng limang buwan.

Nabatid na mahigit 300 katao ang nasawi sa giyera hanang bilyong piso na ari-arian ang nasira.

Ang caravan na tatagal ng isang buwan ay pinangungunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) at Public Attorney’s Office (PAO).

Inatasan na ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla si Undersecretary Margarita N. Gutierrez na pangasiwaan ang caravan. Ang deadline ng paghahain ng claims ay sa Hulyo 3.

Ang caravan na tinawag na “Katarungan Caravan,” ay idaraos batay sa Department Order (DO) No. 324, series of 2024 ni Remulla.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang magkakaloob ng clearances to para mapabilis ang proseso ng claims. Teresa Tavares