Home ENTERTAINMENT Kath, pinahiran ang bibig ni Mark, may first PDA na!

Kath, pinahiran ang bibig ni Mark, may first PDA na!

212
0

Manila, Philippines – First “Public Display of Affection.”

Viral ngayon ang sinasabing first o kauna-unahang PDA ng magnobyong Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.

Eksena ‘yon na nakunan ng mga fans na bumubuntot sa couple sa escalator.

Bahagi ‘yon ng pagmo-malling ng dalawa–na nakunan din sa bag section.

Nakunan si Kathryn holding a backpack–ang tanong: did she buy it for Mark?

Pero ang panalo ngang eksena ay nang sakay sila ng escalator, kung saan pinahiran ni Kathryn ang bibig ni Mark.

Duda ng mga faney, either may dumi si Mark sa parteng ‘yon o bakas ng naiwang pagkain (food residue) which Kathryn wiped clean off his face.

Take note, daliri niya ang mismong ginamit ng aktres.

O, ‘di ba naman at napaka-sweet pagmasdan?

No hard launch necessary na daw dahil patunay lang ‘yon na there already exists something between them.

Obyus bang in love na din ang Kapamilya actress sa mayor-dyowa? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here