Home ENTERTAINMENT Kathryn, inisnab si Kim?

Kathryn, inisnab si Kim?

Manila, Philippines- Malakas na pinag-uusapan ang kumakalat na video sa social media

“starring” Kathryn Bernardo at Kim Chiu.

Ito’y kung saan pinalalabas ng ilang netizens na dinedma ng Hello Love Again lead star ang It’s Showtime host.

Makikitang unang binati ni Kathryn si Piolo Pascual.

Sumunod naman niyang binati si Paolo Avelino.

Pero pagdating kay Kim ay parang wala raw nakita si Kathryn.

Itinampok din ang partikular na eksenang ‘yon sa video sa Showbiz Update ni Ogie Diaz at ng kanyang mga kasamahan.

May pagtatakang may halong inis na sabi ng mga ito na sa pagkakaalam nila’y wala namang isyu sa pagitan ng dalawang aktres.

If this is the premise, bakit daw kailangang gawan ng isyu ang dalawang K?

Posible kasing moments before that ay nagbatian at nagbesu-beso na sina Kathryn at Kim.

Had this taken place, bakit pa nga naman nila kailangang magbatian uli?

Kung sana’y nakitaan ng ‘di kagandahang facial expression si Kathryn upon seeing Kim ay puwede pang isiping there’s bad blood between them.

Eh, wala naman!

Still, inaantabayanan ang reaksyon ng dalawang aktres tungkol sa isyung pandededma ni Kathryn sa kapwa Kapamilya actress. Ronnie Carrasco III