Home ENTERTAINMENT Anak ni Pokwang, muntik nang palayasin ng ex!

Anak ni Pokwang, muntik nang palayasin ng ex!

Manila, Philippines- Ang nagdaang Kapaskuhan ay nagbigay-daan sa mahalagang rebelasyon ni Pokwang.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, kusang

loob na inamin ng TV host-

comedienne na isa na siyang lola.

May apat na taong gulang na anak na kasi ang kanyang 28 anyos na panganay na anak na si Mae Subong.

Gabriel ang pangalan ng apo ni Pokwang na pagka-cute na cute.

Panahon daw ng pandemya nang ipinagbubuntis ni Mae ang bata.

Hindi kinakitaan ng galit si Pokwang as long as Mae continued her studies, na tinupad naman daw nito.

That time ay magkasama pa si Pokwang at ama ng isa pa niyang anak na si Malia na si Lee O’Brian.

Nito lang daw natuklasan ni Mae na pinoproteksyunan ng kanyang ina si

Lee to the point na pinagtatakpan niya ito.

Hardly did Mae know na gusto pala ni Lee na palayasin ang noo’y buntis na si Mae.

Si Pokwang lang daw ang humarang dito dahil mas lalo daw siyang kallangan ni Mae.

With Lee finally out of their house, mas masaya raw ngayon si Pokwang kapiling ang mga anak at apo. Ronnie Carrasco III