Home NATIONWIDE New Year baby malusog na isinilang sa Fabella Hospital

New Year baby malusog na isinilang sa Fabella Hospital

MANILA, Philippines – Isinilang ang isang malusog na babaeng sanggol sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Hatinggabi nang ipanganak ni Lea Mae Razo, 27-anyos ang kanyang bagy girl sa Fabella Hospital sa Maynila.

Pinangalanan ni Ginang Razo ang kanyang baby na si Alea Jayde.

Nitong Martes ng hapon, humigit-kumulang limang buntis ang na-admit sa naturang ospital para sa panganganak ng kanilang sanggol.

Ang Fabella ay angĀ  pinakamalaking maternity hospital sa Pilipinas kung saan marami rito ang ipinapanganak o mataas ang naitatalang birth rate. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)