Sa bilang na ito, 141 ang bagong kaso ngayong araw kung saan 11 na akso ang ay mula sa ‘late reporting’. Ito ay 64% mas mababa kumpara noong 2024.
Nakalap ang mga datos ng firecrackers-related injuries mula sa 62 sentinel sits na binabantayan ng DOH mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 1, 2025.
Sa 340 na kabuuang kaso ngayong taon, ito ay mas mababa ng 34% kumpara sa naitalang 519 mga kaso noong Enero 2024.
Karamihan pa rin sa mga naputukan ay mga lalaki na nasa 299 habang 41 naman ang babae.
Ang 202 o 50% ng kaso ay dulot ng illigal na paputok tulad ng boga, 5-star at piccolo kung saan 186 o 54.7% ng kaso ay aktibong gumamit ng paputok.
Sa Jose Reyes Memorial Medical Center, humigit-kumulang sa limang indibidwal ang kinailangang putulan ng mga daliri matapos tamaan ng paputok. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)