Home ENTERTAINMENT Kathryn, inuurutang bumida sa next Marimar!

Kathryn, inuurutang bumida sa next Marimar!

Manila, Philippines – Netizens loyal to Kathryn Bernardo and Alden Richards are pinning their hopes na sana raw ay muling magkaroon ng collab ang ABS-CBN at GMA.

Matatandaang the first ever collab between the two TV networks was via Unbreak My Heart.

Its main stars equally belong to both stations: sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia mula sa Kapamilya network, at sina Richard Yap at Gabbi Garcia mula sa GMA.

Ang hiling naman this time ng mga fans ay pagsamahin sina Kathryn at Alden sa remake ng Marimar.

Aired in 1994, bida sa Mexicanovela si Thalia bilang Marimar at Eduardo Capetillo bilang Sergio.

Back in 2007 ay inilabas ng GMA ang Pinoy remake nito that starred Marian Rivera and Dingdong Dantes.

Gumanap din bilang Marimar si Megan Young kasama si Tom Rodriguez.

Ngayon ay may clamor na ibalik muli ang karakter ni Marimar na bibigyang buhay naman ni Kathryn.

Simple lang ang naging basehan ng mga fans in support of this collab if ever.

Nakakabilib din daw kasi ang kaseksihan ni Kathryn with her beach photos for a fashion magazine.

Siyempre, hati ang opinyon ng ilan sa napipintong pagganap ng 28 anyos na aktres bilang Marimar.

Unang-una, baka raw naman may ibang materyal na puwedeng pagbidahan ni Kathryn.

Pangalawa, nakatatak na raw kasi ang Marimar kay Marian that Kathryn might fail in comparison.

Samantala, never-ending pa rin ang girian sa pagitan ng mga Kathryn fans and those of Daniel.

Bilangan sila nang bilangan ng mga commercial endorsements ng kanilang mga minamanok na idolo.

Wala sa alinmang kampo ang gustong magpakabog.

Ang datingang solid na KathNiel fans ay nahati na, parang bansang Korea lang ang peg! Ronnie Carrasco III