Manila, Philippines – Pinalagan ni Ogie Diaz ang “dagdag” sa kuwento niyang nagkita’t nagkausap ang dating magnobyong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Naiulat nga niya sa kanyang latest vlog na muling nagkrus ang landas ng KathNiel.
It happened at the dressing room ng aktres sa backstage ng Araneta Coliseum kung saan ginanap ang two-part ABS-CBN Christmas Special.
Ang siste, it was Daniel who went to his ex-girlfriend’s dressing room.
Kumatok ang aktor at pinapasok naman siya ng nabungarang glam team ni Kathryn.
Daniel came with a bouquet of flowers, supposedly bilang peace offering.
Matatandaang November 30 last year nang kapwa nila dinesisyunang tuldukan ang kanilang 11-year relationship.
Once inside, binigyan naman ng glam team ni Kathryn ng pagkakataon na mag-usap ang dalawa.
The glam team excused themselves and got out of the room.
Ni wala ngang nakakaalam what Kathryn and Daniel talked about.
Sa katunayan, either of them has yet to confirm this dahil ang itsinika naman ni Ogie ay galing sa kanyang source.
Naloka na lang si Ogie dahil sa “twist” ng ikinuwento niya, na obyus na hindi na sa kanya nagmula.
Iniintriga kasi si Kathryn na hindi raw appreciative sa gesture ng dating nobyo.
Proof daw of her non-appreciation ay ang tsikang itinapon daw ng aktres ang bigay na bulaklak ni Daniel.
Dahil dito, nakiusap si Ogie na huwag sanang pangunahan, let alone mag-imbento ng kuwento kaugnay ng dressing room moment ng former couple.
Lalabas nga namang “nega” si Kathryn na sinuyo na nga’y may ganoon pang eksena tungkol sa mga itinapong bulaklak. Ronnie Carrasco III