Home ENTERTAINMENT Kathryn, magkakaroon na ng wax figure sa HK!

Kathryn, magkakaroon na ng wax figure sa HK!

335
0

Confirmed–si Kathryn Bernardo ang ikalimang Pilipinog magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Wax Museum sa The Peak Hongkong.

Base ito sa inilabas na teaser video ng wax museum sa Instagram nitong October.

May pahulaan muna kung sino ang susunod na magkakaroon ng wax figure–being the fifth Filipino celebrity.

Ayon sa teaser, pitong taong gulang daw nang magsimula ito ng kanyang showbiz career.

Siya din daw ang Filipino artist whose movie hit the P1 billion mark globally.

Mapapansin ding “Kathryn na Kathryn” ang silhouette sa teaser.

This makes the Kapamilya actress na fifth Pinoy celebrity na magkaroon ng imahe na gawa sa wax.

Nauna na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach noong 2019.

Sinundan siya ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao noong 2021.

Two years later ay sumunod naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ang huli at ikaapat ay si Anne Curtis noong 2024 whose picture is displayed at the museum entrance right beside her wax figure.

As for Pia, she has a small picture alongside Audrey Hepburn’s at the entrance.

Wala pang detalye kung kailan ang unveiling ng wax figure ni Kathryn, na give-away ang clues as per the teaser video.

Bongga! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here