Manila, Philippines – Puro lang tsika, wala namang resibo!
Tila ganito nga ang kinapapaloobang sitwasyon ngayon ni Kathryn Bernardo.
Over the week ay napabalitang may sighting sa kanila ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa BGC.
Ang nakakaintriga, the two were sighted at 3 a.m.
Prior to this, sometime in April ay namataan na rin sila within the same area.
Take note, consistent ang oras ng sighting–madaling araw din!
Curious tuloy ang mga netizens sa pagtatanong na ganoong oras ba talaga ang gusto nila in dating?
Parehong busy sina Kath at Mark with their respective work, ang lagay–hindi na sila nagpapahinga sa oras na dapat sana ay nakahiga na sila?
Hinahanapan naman ng resibo o katibayan ang mga nakakita sa kanila, pero they have no proof to show kahit man lang kuhang litrato mula sa cellphone camera.
As it is, nananatiling wild talks lang ang sighting sa kanila.
Kulang na lang sabihing fake news! Ronnie Carrasco IIi