CEBU CITY – INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad ang nadiskubreng tatlong patay na bagong panganak na sanggol na nakalagay sa loob ng isang plastic container sa bayan ng Liloan, iniulat kahapon, Hunyo 15.
Batay sa report ng Liloan Municipal Police, bandang 10:30 AM natagpuan ang mga patay ng sanggol sa isang compound sa Barangay Cotcot, Liloan, Cebu noong umaga ng Biyernes, Hunyo 13.
Kwento ng isang Nacianceno Gunato Bazarte, 46, kawani ng JIP plastic, habang namumulot siya ng mga recyclable na materyales, bigla na lamang bumalandra sa kanyang harapan ang mga patay ng sanggol at agad na ipnaalam sa mga awtoridad ang pangyayari.
Sa pagresponde ng mga otoridad sa naturang lugar, pinaniniwalaan bagong panganak ang mga sanggol at kumpleto ang mga bahagi ng katawan at may mga wristband sa kamay.
Posible umanong mula sa isang birthing center ang mga sanggol. Mary Anne Sapico