Home ENTERTAINMENT Kathryn, nagpapagawa ng building sa NE!

Kathryn, nagpapagawa ng building sa NE!

Manila, Philippines- Tubong Nueva Ecija ang pamilya ni Kathryn Bernardo.

Sino ba naman ang mas higit na nakakakilala sa Bernardo family kundi ang kapwa nila Novo Ecijano na si Cristy Fermin?

Sa latest episode ng Showbiz Now Na, inulat ni Cristy at ng kanyang nga co-hosts na sina Romel Tsika at Wendel Alvarez ang katest property ng Kapamilya actress.

Simula ng batikang manunulat: sino raw ang mag-aakalang ganito na raw kayaman si Kathryn?

“Una, nagpatayo muna si Kathryn ng studio na malapit sa bahay nila.

“Ito’y kung saan puwedeng mag-shoot doon ng mga TVC niya,” ani Cristy.

Ang TVC ay pinaikling TV commercial.

Sinundan ‘yon ng pagpapagawa ni Kathryn ng kanilang mansion.

Ito’y may tatlong palapag na may slide at elevator.

Ayon sa kumakalat sa social media, tinatayang P50M ang halaga ng mansion na ‘yon.

“At eto na nga po ang latest,” patuloy ni Cristy, “balitang nagpapagawa naman ngayon si Kathryn ng gusali sa Cabanatuan City.”

Ang building daw ‘yon ay may siyam na palapag.

Nagbalik-tanaw si Cristy noong hindi pa raw kasikatan noon si Kathryn.

Sabi raw ng aktres na kapag nakaipon daw siya ay magpapatayo siya ng bahay para sa kanyang ina, si Mommy Min.

Hinanapan din ng paralelismo ni Cristy si Kathryn at Alden Richards.

Nagkakapareho raw kasi ng pangarap ang dalawa na kalauna’y nagkaroon ng katuparan.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco IIi