Home NATIONWIDE Task force for volcanic eruptions itinutulak ni PBBM

Task force for volcanic eruptions itinutulak ni PBBM

MANILA, Philippines – NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangan na bumuo ng isang national task force na binubuo ng mga mahahalagang ahensiya ng pamahalaan, kasama ang local government units, para bumalangkas ng long-term  redevelopment  plan para sa mga komunidad na apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa isinagawang situation briefing, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na pagsama-samahin ang mga pagtugon ng gobyerno at paghahanda sa natural disasters.

“Let’s decide what are the agencies that should be involved [in the task force]. And then sit down together with all the relevant agencies, and put together a plan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa nasabing briefing.

Ipinag-utos naman ng Pangulo sa Office of the Civil Defense (OCD) na pangunahan ang national task force at itulak para sa pagtatayo ng permanent evacuation centers para sa displaced residents.

“Such centers must be located outside the six-kilometer danger zone,” dagdag na wika ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, may 2,660 pamilya (8,509 indibiduwal) na na- displaced ng nagpapatuloy na volcanic eruption ang nasa 23 evacuation centers sa Western at Central Visayas.

May karagdagang 90,000 katao ang maaaring ilikas kung ang alert level ay itinaas sa alert level 4, ayon kay Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr.

Bago pa ang briefing, namahagi ang Pangulo ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Samantala, 12,632 pamilya (48,528 indibiduwal) sa 28 lungsod at munisipalidad sa Western Visayas. Nagbigay naman ang gobyerno ng P95.6 million na tulong at nag-prepositioned ng P144.04 million na halaga ng relief supplies para sa mga apektadong lugar. Kris Jose