Home ENTERTAINMENT Kathryn, nagpasilip ng boobs sa EDSA!

Kathryn, nagpasilip ng boobs sa EDSA!

Manila, Philippines- Nadatnan ni Kathryn Bernardo at ng kanyang mga kapatid, pamangkin at kaibigang si Alora Sasam na dumalo sa Christian worship service sa Christ`s Commission Fellowship o CCP.

Pagkatapos ng service ay nagpaunlak si Kathryn na nakipag-picture-an sa mga nakasabay niya sa CCP at mababasa ang mga komento ng kanyang mga fans nang makita siya rito.

Ang ilan nga sa mga comment ng kanyang fans:

“God bless you more.”

“Praise God, um-attend si Kathryn.”

“You finally surrendered your life to Jesus.”

Tungkol naman sa ipinost sa social media ni Kathryn na revenge o paghihiganti, hindi raw kasi siya ang tipo na tao na mapaghiganti sa sinumang may nagawang atraso at nanloko sa kanya.

Mas gugustuhin niyang manahimik at huwag nang sayangin ang kanyang oras sa pagiging bitter.

Kapag galit siya sa taong may atraso, particular na yung taong kanyang pinagkatiwalaan na niloko siya ay idinadaan na lang niya sa pananahimik. Hindi siya yung nanunugod sa taong nagtraydor sa kanya. Walang puwang sa kanya ang rumesbak kapag galit.

Dahil nga nabunyag na sa lahat ang pambabae raw ng ex niya na si Daniel Padilla, may nag-advice kay Kathryn na maghiganti at makipag-showdown sa aktor sa ginawang panloloko sa kanya.

Pero tulad nga ng kanyang sinabi na hindi siya ang uri ng tao na mapaghiganti.

Ang diskarte ni Kathryn ay mag-focus na lang sa mga mahahalagang bagay kaysa bigyan ng importansya pa ang ginawang panloloko sa kanya.

Tutal natanggap na niya ang lahat at handa na siyang mag-move-on sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Naniniwala si Kathryn na kahit hindi siya maghiganti ay may kapalit yun sa mga taong nanloko at nanakit sa kanya.

Basta ang importante ay may peace of mind siya at payapa ang kanyang kalooban.

Speaking of Kathryn, proud ang kanyang mga fans sa dalawang billboard ng Bench na nakalagay sa Guadalupe. Yung isang billboard ay para sa TNT.

Siguradong hindi makakaligtas sa mata ng mga nagdadaan sa Edsa na may pagka-sexy ang isang Bench billboard dahil nagpasilip siya nang slight ng kanyang right boobs.

Wala namang dapat ipag-react ang kanyang mga fans dahil hindi malisyoso ang dating ng biilboard.

Ngayong February ay manonood si Kathryn ng concert ni Taylor Swift sa Australia at baka ituloy na niya ang bakasyon.

Sa March pa naman ang simula ng kanyang shooting para sa pelikulang Elena 1944.

Well, sabi nga ay walang forever, di ba Bea Alonzo at Dominic Roque? Gerry Ocampo