Home NATIONWIDE Cyberattacks ‘di kinukunsinti ng Tsina – exec

Cyberattacks ‘di kinukunsinti ng Tsina – exec

MANILA, Philippines- Iginiit ng China nitong Miyerkules na hindi nito kinukunsinti ang “all forms of cyberattacks” sa tila pagtugon nito sa “false accusations” na ito ang nasa likod ng serye ng hacking incidents laban sa government websites sa Pilipinas at sa United States.

“China is a major victim of cyberattack. We keep a firm stance against all forms of cyberattacks and resort to lawful methods in tackling them. China does not encourage, support or condone attacks launched by hackers,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin sa X (dating Twitter).

Nitong weekend, iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) reported na napigilan ng cybersecurity experts ang hacking ng government websites at email addresses ng hackers na nakabase sa China. Subalit, hindi nila matukoy kung suportado ng  Chinese government ang hacking.

Samantala, inihayag ng US Department of Justice noong nakaraang linggo na nasawata nito ang “botnet of hundreds of US-based small office/home office routers hijacked by People’s Republic of China (PRC) state-sponsored hackers.”

Subalit, sinabi ni Wang na ang nagagawa lamang ng “false accusations” ay “jeopardize the collective response to the threats our world faces,” at tinawag ang US na “very source of risks in the cyberspace.”

“The US has proven itself to be the very source of risks and challenges in cyberspace. No country can insulate itself from US cyber attack threat… Cyberspace should not be a battlefield. It is not a grey area for the US to rise above the rules and act wantonly without any consequences,” pahayag ni Wang.

Inihirit ng ilang senador na imbestigahan ang umano’y cyberattack ng China-based hackers. RNT/SA

Previous articleKathryn, nagpasilip ng boobs sa EDSA!
Next articleImee Marcos sa ilang solons: Magpakatotoo kayo sa Cha-cha