Manila, Philippines- Hindi maikakaila na ang pelikulang Mallari na pinagbibidahan ni Piolo Pascual ang pinakanominado sa FAMAS Award 2024. Namayagpag sila sa 14 categories kasama na ang Best Picture at Best Actor.
Pero sa X (dating Tweeter), nasa top man si Piolo at ang pelikula niya ay nasabayan ni Kathryn Bernardo ang glory nito, salamat sa kanyang fans na pudpod na ata ang mga daliri sa kakapost sa kanyang Best Actress nomination.
Ang A Very Good Girl na pinagbibidahan ni Kathryn na may mixed reviews ay nominated pa sa 6 categories na mostly ay technical.
Ngayon pa lang na-devirginize ng FAMAS sina Pepe Herrera, Cedrick Juan, Ken Chan, Ruby Ruiz, Euwenn Mikael, Enchong Dee, at L.A. Santos, as compiled by Philippine TV and Film Updates account sa X. Si Maricel Soriano naman ay 18 times na.
3.2 ang average rating ng Mallari sa Letterboxd samantalang 2.7 ang A Very Good Girl.
Nakatakdang ganapin ang FAMAS Awards 2024 sa May 26 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel. Dito rin ginaganap ang Aliw Awards usually kung saan board member ang FAMAS President na si Francia Conrado. Trixie Dauz