Home METRO Isabela malaria-free na!

Isabela malaria-free na!

98
0

MANILA, Philippines- Idineklara ng Department of Health (DOH) ang lalawigan ng Isabela sa Cagayan Valley na malaria-free.

Sinabi ng DOH nitong Martes na hindi nakapagtala ang Isabela ng indigenous cases ng malaria mula 2014 hanggang sa kasalukuyan.

“By prioritizing malaria control and leveraging partnerships, Isabela Province contributed to broader global health objectives, demonstrating the impact of collective action in achieving better health outcomes for all,” pahayag ni Cagayan Valley Center for Health Development (CVCHD) Regional Director Dr. Razel Nikka Hao.

“This achievement represents the dedication of healthcare workers, government officials, and community leaders,” dagdag niya.

Batay sa datos mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala ang Isabela ng 1,405 malaria cases sa pagitan ng 2004 at 2014, na nagpapakita ng “cyclical trend “ sa malaria cases.

Noong 2014, naobserbahan ang pagbaba ng mga kaso kasunod ng pinaigting na pagsisikap ng local government units, health facilities, health workers, at partner agencies.

Samantala, bukod sa pagkilala, binigyan ng DOH ang lalawigan ng Isabela ng P1 milyong cash incentive na magagamit nito upang mapanatili ang malaria-free status.

Sa 82 lalawigan sa buong bansa, nasa 72 ang idineklarang malaria-free.

Nananatili naman ang Palawan bilang tanging probinsya na may aktibong kaso. Naiulat nito ang kabuuang 6,188 malaria cases noong 2023.

Ang malaria ay isang sakit dulot ng parasites na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng infected female Anopheles mosquitoes sa mga tao. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here