Home NATIONWIDE DSWD nagbabala vs pekeng cash aid program para sa graduates

DSWD nagbabala vs pekeng cash aid program para sa graduates

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko nitong Martes labans sa pekeng  cash assistance program na nangangako ng P5,000 sa lahat ng graduating students.

Tinukoy ng ahensya ang kahina-hinalang Facebook page na nag-aalok ng P5,000 cash assistance sa lahat ng estudyanteng magtatapos ngayong 2024 matapos ang rehistrasyon ng kanilang personal na impormasyon.

Subalit, iginiit ng DSWD: “Walang programa ang [DSWD] na nagbibigay ng P5,000 cash assistance para sa lahat ng mga estudyante na magtatapos ngayong taon.”

“Nais naming bigyang-diin na kailanman ay hindi hihingin ng mga kawani ng DSWD ang inyong personal na impormasyon dahil ito ay labag sa Data Privacy Act of 2012,” patuloy nito.

Hinikyat ng DSWD ang publiko na iulat ang mga parehong page at sa official verified social media accounts lamang ng departamento sumangguni para sa mga lehitimong programa. RNT/SA