Home NATIONWIDE Regulasyon ng magic sugar isinusulong ng SRA

Regulasyon ng magic sugar isinusulong ng SRA

MANILA, Philippines- Dapat kontrolin ang pagkalat ng artificial o magic sugar sa mga lokal na pamilihan upang ingatan ang  kalusugan ng mga consumer, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA) nitong Lunes.

“Mayroon tayong tinitingnan na high fructose syrup, iyong mga chemical sweeteners. Lahat po pinapatingnan po ng SRA iyon. Who regulates it? Ano po iyong agency involved? And of course, we want to regulate it as well,” pahayag ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona sa isang panayam.

Paliwanag ni Azcona, ang magic sugar, kilala rin bilang aspartame, ay isang chemical compound sweetener cna karaniwang ginagamit sa refresher drinks na maaaring magdulot ng banta sa kalusugan.

“Number one concern diyan is iyong health ng consumers. Number two, kung di natin alam saan galing, talagang delikado,” wika ng opisyal.

Subalit, karaniwang nagbebenta o gumagamit ang mga negosyonte ng artificial sugar bilang mas murang source ng pampatamis, aniya.

Bagama’t hindi sigurado ang SRA kung puslit ito o hindi,  ang supply ng magic sugar ay 100 porsyentong imported, pahayag ni Azcona. RNT/SA