Manila, Philippines – May pinagkatandaan nga ba si Sabrina M?
O tulad pa rin siya ng dati who’d pick up senseless fights with her industry peers?
Nakausap namin ang isang mahinahong si Katrina Paula na naglabas ng reklamo laban sa itinuring pa man din niyang kaibigan.
Si Katrina ang instrumento kung bakit napasama si Sabrina sa latest movie na pinagbibidahan ni Jeric Raval.
Came the premiere night of the movie kung saan umeksena raw si Sabrina na parinig nang parinig sa kanya.
To avoid further tension, minabuti ni Kat na huwag nang tapusin ang event.
Ipinagkakalat kasi ni Sabrina na sa matagumpay na estado raw ngayon ni Kat ay dapat nakatapak ang mga paa nito sa lupa.
Itinanggi ni Kat that her success in life has never gone up to her head.
Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ng materyal na bagay tulad ng sariling bahay at building.
Piloto ang panganay niyang anak, reporter ang pangalawa at kasalukuyang nag-aaral sa UST ang dalawa pa.
Having matured in life, nais ipa-realize ni Kat kay Sabrina na: “Pag ganitong may edad na tayo, dapat wala nang away-away. Dapat ang pinag-uusapan na natin, eh, mga achievements natin sa buhay!”
Kung matatandaan, taong 2019 nang i-bail out ni Kat si Sabrina sa pagkakakulong nito on drug
charges.
“Nangako naman kasi ako sa kanya na ilalabas ko siya once maibenta ko ang bahay ko sa Parañaque,” ani Kat.
Nakulong at nakalabas daw si Sabrina sa piitan wearing the same bra and panty.
Hindi sa isinusumbat ni Kat ang mga naitulong niya, pero: “Siya na rin ang gumawa ng dahilan kung bakit nagkaganoon ang buhay niya!”
Binanggit pa ni Kat kung sinu-sino pang sexy stars ang galit kay Sabrina–the likes of Nini Jacinto, Alma Soriano, Camille Roxas at marami pang iba.,
“Pag tatlo o higit pa ang kaaway mo, nasa iyo na ang diperensya!” pagtatapos ni Kat. Ronnie Carrasco III