Home NATIONWIDE OIC itinalaga sa Bureau of Immigration

OIC itinalaga sa Bureau of Immigration

99
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Deputy Commissioner Atty. Joel Anthony Viado bilang Officer-in-Charge ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng pagsibak kay Commissioner Norman Tansingco.

Sa Department Order 628, mananatiling in charge si Viado sa pang araw-araw na operasyon ng BI sa ilalim ng pangangasiwa ni Remulla.

Mananatiling in charge si Viado hanggang sa nakapagtalaga na ng bagong BI commissioner si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Si Tansingco ay tinangal sa pwesto matapos makapuslit palabas ng bansa si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here