Home ENTERTAINMENT Katrina, nagpasabog, binuhay ang black Darna!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Katrina, nagpasabog, binuhay ang black Darna!January 10, 2026 10:213000 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Nitong January 4 ay eksaktong 40 anyos gulang na ang Starstruck alumna na si Katrina Halili.Hindi niya pinalampas ang araw na‘yon nang walang “throwback pasabog.”Makaraan ng dalawang dekada, muling isinuot ng aktres ang kanyang Black Darna costume.Siya bale ang gumanap bilang kontrabida sa GMA serye na Darna played by then-Kapuso actress Angel Locsin.Bumalik sa alaala ng mga viewers ang umaatikabong engkwentro nila ni Angel.May request si Katrina as she posted: “Pagbigyan n’yo na si Black Darna at bihira makalabas. Gagala muna siya sa earth!”Take note, kasyang-kasya pa rin sa kanya ang costume to think na nagbuntis at nagkaanak na.Reaksyon ng mga netizens: “Kahit kontrabida, bida pa rin siya sa puso ng masa!”“So gorgeous ever!”“So beautiful, so hot!”Ikinumpara pa ang ageless na si Katrina sa fine wine.Imagine nga naman, na-maintain ni Katrina ang kanyang figure 20 years later.Tuloy, marami ang na-curious din kung kelan naman magpo-post si Angel wearing her Darna costume again.Dare.. ? Ronnie Carrasco III