Home HOME BANNER STORY Kaugnayan ng asawa ng COA commissioner sa flood control projects iimbestigahan ng...

Kaugnayan ng asawa ng COA commissioner sa flood control projects iimbestigahan ng Ombudsman

276
0

MANILA, Philippines – Nagsasagawa na ng fact-finding investigation ang Office of the Ombudsman sa mga ulat patungkol sa isang construction company na may kaugnayan sa asawa ni Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana na nakakuha ng flood control projects mula sa pamahalaan.

Ang rebelasyong ito ay inihayag ni Rep. Keith Micah Tan sa plenaryo ng Kamara na ngayon ay nagsasagawa ng deliberasyon sa proposed 2026 budget ng Office of the Ombudsman.

Sa sworn affidavit ni dating Bulacan district engineer Henry Alcantara na ipinasa nitong Martes, sinabi na humingi si Lipana ng listahan ng flood control projects sa Bulacan noong 2022 at nagpasok ng proyekto na nagkakahalaga ng P500 milyon noong 2023, P400 milyon noong 2024, at P500 milyon noong 2025.

Napag-alaman naman sa datos ng pamahalaan na ang construction company na iniuugnay sa asawa ni Lipana ay nakakuha ng halos P200 milyong halaga ng flood control projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Si Marilou Laurio-Lipana, ang asawa ng COA Commissioner, ay presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corporation, ayon pa sa ilang dokumento mula sa DPWH.

Ayon kay ML party-list Rep. Leila de Lima, maaaring pasimulan ng mga mambabatas ang impeachment proceedings laban kay Lipana sa kaugnayan ng asawa nito sa flood control projects. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here