Home NATIONWIDE Teodoro nanggalaiti sa korapsyon sa flood control funds

Teodoro nanggalaiti sa korapsyon sa flood control funds

266
0

MANILA, Philippines – Nanggalaiti si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga napaulat na pagbulsa ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa flood control projects.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Teodoro na maituturing na kriminal ang korapsyon ng pondo na para sa pagtugon sa mga pagbaha, kung saan maraming mga Filipino ang napeperwisyo rito taon-taon.

“Bilyon-bilyon [ang] napunta sa bulsa ng maraming tao na dapat pangsagip ng buhay ng tao ito. Ito’y malaking krimen sa taumbayan,” ayon kay Teodoro, na dati ring namuno sa disaster agency ng bansa.

“Alam nila na persistent ang mga namamatay sa [kawalan ng] flood control,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sa pinakahuling pagdinig sa Kongreso, inakusahan ng mga contractor at public works officials ang ilang mga politiko na nakakatanggap ng kickback mula sa mga proyekto na pinondohan sa pamamagitan ng budget insertions na ipinanukala nila o iniakyat sa national spending program.

Kasunod nito ay naglunsad ng hiwalay na imbestigasyon ang pamahalaan para silipin ang mga anomalya sa flood control projects.

“The credibility of this investigation is a litmus test for all our institutions,” ayon pa sa Defense chief.

Ayon sa Department of Finance, nawalan ang ekonomiya ng Pilipinas ng aabot sa P118.5 bilyon mula 2023 hanggang 2025 dahil sa korapsyon sa flood control projects. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here