Home NATIONWIDE Kaugnayan sa SunWest, budget insertions dapat linawin ni Zaldy Co – solon

Kaugnayan sa SunWest, budget insertions dapat linawin ni Zaldy Co – solon

346
0

MANILA, Philppines – Dapat sagutin ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, dating chair ng House appropriations panel, ang mga alegasyon na nag-uugnay sa kanya sa mga budget insertion at linawin ang kaugnayan nito sa Sunwest Inc., ang kompanyang kanyang binuo at nakakuha ng bilyong piso sa kontrata sa pamahalaan, ayon sa lider ng Kamara.

Sinabi ni Surigao del Sur 1st District Rep. Romeo S. Momo Sr., chairman ng House Committee on Public Works and Highways, na mas mainam para kay Co na humarap at sagutin ang mga alegasyon.

Batay sa datos mula sa Sumbong sa Pangulo website, nakakuha ang Sunwest Inc. ng 79 proyekto ng pamahalaan na mahigit P10 bilyon.

Ilan sa mga nakumpletong proyekto ay iniulat na nakatanggap ng “poor and unsatisfactory” ratings at pinuna dahil sa palpak na pagkakagawa.

Ang Sunwest Inc. ay itinatag ni Co at ng kanyang kapatid na si Christopher, dating representative ng Ako Bicol.

“Marami ngang doubts about him and his participation sa SunWest. Kailangan siguro ma-explain niya ‘yan. But as of moment this time, hindi namin alam saan siya ngayon,” sinabi ni Momo sa panayam ng DZMM.

Si Co ay nasa Estados Unidos para sa medical treatment, ayon kay House Spokesperson Princess Abante ngayong linggo.

Sakop ng travel authority ang biyahe ni Co na kailangan ng mga opisyal ng pamahalaan kung umaalis ng bansa.

Bagamat pormal na nag-divest si Co mula sa Sunwest Inc. nang siya ay mahalal sa opisina, lumabas sa imbestigasyon ng Rappler na siya ay may kaugnayan pa rin sa ibang kompanya na konektado sa grupo.

Matatandaan na inakusahan ni Navotas City Rep. Toby Tiangco si Co na naglagay ng P13.8 bilyon sa bicameral conference committee version ng 2025 budget. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here