Home HOME BANNER STORY Mga gumagawa ng kasamaan kinastigo ni PBBM: Why punish the good just...

Mga gumagawa ng kasamaan kinastigo ni PBBM: Why punish the good just to get rich?

287
0

MANILA, Philippines – KINASTIGO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang hindi makatarungang karanasan ng mga “good and hardworking Filipinos” habang may ilan ang nagpapasasa sa ill-gotten wealth.

Sa isang teaser para sa fourth episode ng kanyang podcast, Sabado ng gabi, inamin ni Pangulong Marcos na sobrang masama ang kanyang loob kung paano na ang ilan ay nakagawa ng ilegal na gawain sa kapinsalaan ng iba.

“I see people having a hard time. And they don’t deserve it. Mabuti mga kung masamang tao ‘yan. Dapat parusahan. Hindi naman eh,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa teaser na naka-upload sa kanyang official Facebook page.

“Walang ginawa ‘yan kundi magtrabaho, kundi mahalin ang pamilya. Ba’t mo paparusahan? Para magpayaman ka,” aniya pa rin.

Nauna rito, patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa mga flood control project na kamakailan ay ininspeksiyon mismo ni Pangulong Marcos.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, 11 proyekto ang personal na binisita ng Pangulo sa Marikina, Iloilo, Bulacan at Benguet, ilang araw matapos matanggap ng Malacañang ang mga reklamo kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagpapatupad ng mga ito.

Sinabi ni National Bureaui of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na walang dapat umasa ng palakasan, kahit pa politiko o mataas na opisyal ng gobyerno, kung mapatunayang sangkot sa anomalya.

Bukod sa imbestigasyon ng NBI, nagsagawa na rin ng pagdinig ang senado at kamara kaugnay ng anomalya sa flood control projects. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here