Home METRO Kauna-unahang Cancer Center na patatakbuhin ng LGU pinasinayaan sa Maynila

Kauna-unahang Cancer Center na patatakbuhin ng LGU pinasinayaan sa Maynila

138
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Honey Lacuna, House Speaker Martin Romualdez at Manila 5th District Congressman Irwin Tieng ang groundbreaking ceremony para sa kauna-unahang cancer center na pagmamay-ari at patatakbuhin sa ilalim ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang Manila Cancer Center.

Ang naturang Manila Cancer center ay matatagpuan sa Ospital ng Maynila compound na may sukat na 2,000 square meters at ipapangalan sa yumaong ama ni Speaker Romualdez na si Gov. Benjamin Romualdez.

Ayon kay Tieng, ang naturang proyekto ay kanyang pinangarap noong siya ay konsehal pa lamang ng Distrito 5 dahil karamihan umano sa mga namamatay sa kanilang lugar ay dahil sa sakit na cancer.

Dahil dito, pinursige nito na maabot ang kanyang pangarap at itinulak na maging possible ang pagkakaroon ng cancer center sa lungsod ng Maynila na siyang magbibigay ng libreng serbisyo sa lahat ng Manilenyo na may sakit na cancer upang mapagaling at mapahaba pa ang kanilang buihay.

Pinasalamatan naman ni Lacuna si House Speaker Romualdez dahil sa “full support” nito sa nasabing ipatatayong cancer center sa Maynila gayundin kay Cong. Tieng dahil sa inisyatibo nito na maipatayo ang nasabing pagamutan.

Kasama naman nina Lacuna, Romualdez at Tieng sa isinagawang groundbreaking ng Gov. Benjamin Romualdez Cancer Center sa Ospital ng Maynila sina Vice Mayor Yul Servo Nieto, Congressman Rolan Valeriano, Cong. Joel Chua, at iba pang mga Congressman at mga konsehal sa nasabing lungsod.

Ayon kay Cong. Tieng, ang planong limang palapag na cancer center na may kapasidad na 38 na kama ay magkakaroon ng kagamitan na kailangan ng cancer patients. Itatayo ito sa Ospital ng Maynila na isa sa anim na pampublikong ospital ng lungsod ng Maynila na nagbibigay ng libreng medical services sa mga residente nito. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here