Home METRO Magsasaka utas sa kidlat

Magsasaka utas sa kidlat

BACOLOD CITY – Patay sa tama ng kidlat ang isang 21-anyos na magsasaka sa Purok Enyam, Barangay Cambarus, Pontevedra, Negros Occidental nitong Lunes, Hunyo 24.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Neil Patrick Sarmiento.

Sinabi ni Police Lt. Nanette Laurilla, deputy chief ng Pontevedra Municipal Police Station, na nagsasaka ng palayan ang biktima nang biglang bumuhos ang ulan.

Naghanap siya ng silungan sa ilalim ng isang puno ng saging sa isang bukid.

Gayunpaman, tinamaan siya ng kidlat nang magpapaandar na sana siya ng hand tractor.

Dinala ang biktima sa Pontevedra Rural Health Unit kung saan idineklara itong patay. RNT