Home NATIONWIDE Kauna-unahang CARP-Tindahan inilunsad ng DAR, DTI sa pagpapalakas sa kita ng ARBs

Kauna-unahang CARP-Tindahan inilunsad ng DAR, DTI sa pagpapalakas sa kita ng ARBs

186
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agrarian Reform (DAR) na may pagkakataon nang kumita ng mas malaki ang mga miyembro ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Region 1 matapos ilunsad ang kauna-unahang CARP-Tindahan isang tindahan na eksklusibong nagbebenta ng produktong gawa ng mga magsasaka.

Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR), na nasa ilalim ng pamumuno ni Secretary Conrado M. Estrella III, kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya ng CARP, ang pagbubukas ng tindahan na layong tulungan ang mga ARB na magkaroon ng mas maayos na merkado at mas siguradong kita.

Ayon sa DAR matatagpuan sa Dairy Box Building ng Bantog Samahang Nayon MPC sa Asingan, Pangasinan, tampok sa CARP-Tindahan ang mga produktong gawa ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa Rehiyon 1.

Sinabi ng ahensya na dito na nila direktang maibebenta ang kanilang ani at produkto, nang hindi na dumadaan sa maraming middleman.

Layunin ng programang ito na mas mapalapit ang mga produkto ng mga ARB sa merkado habang nagbibigay ng mas matatag at pangmatagalang kabuhayan sa mga benepisyaryo. Bilang pilot project, nakikita rin ang CARP-Tindahan sa Pangasinan bilang modelo na puwedeng gayahin sa ibang rehiyon para higit pang suportahan ang pag-unlad ng mga negosyo sa kanayunan sa buong bansa.

Kaugnay nito dumalo sa paglulunsad ang mga opisyal ng DAR Pangasinan, kabilang sina Provincial Agrarian Reform Program Officer (PARPO) II Charlotte Lasmarias, PARPO I Reymond Niño Yu, at Senior Agrarian Reform Program Officer (SARPO) Dolly Carig Tendero, na nagpapakita ng matibay na suporta ng ahensya sa mga programang nag-uugnay sa mga magsasaka sa merkado at nagpapalakas sa value chains.

“Ang CARP-Tindahan ay higit pa sa isang pisikal na tindahan. Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan na maisama ang mga ARB sa kompetitibong merkado at mabigyan sila ng mas maaasahang paraan para maibenta ang kanilang mga produkto,” ani PARPO Lasmarias.

Kasabay nito, ilulunsad din ng DAR Pangasinan ang “Ani na Dumaralos,” isang digital marketing campaign na magpo-promote ng mga produkto ng ARBOs sa social media at online platforms upang mas marami pang mamimili ang maabot. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here