Home NATIONWIDE Kauna-unahang dokumento bilang Santo Papa, ilalabas ni Pope Leo

Kauna-unahang dokumento bilang Santo Papa, ilalabas ni Pope Leo

333
0

VATICAN – Ilalathala ni Pope Leo ang kauna-unahan nitong dokumento sa kanyang panunungkulan bilang Santo Papa sa Oktubre 9, ayon sa Vatican nitong Sabado, Oktubre 4.

Ang dokumento o kilala bilang apostolic exhortation, ay magkakaroon ng pangalang “Dilexi te” (He loved you), at pormal na pinirmahan ng Santo Papa.

Ayon sa ilang opisyal ng Vatican, ang dokumento ay tututok sa pangangailangan ng mga mahihirap sa mundo.

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang Vatican kaugnay sa dokumento ngunit sa pamagat ay nagpapahiwatig ito ng pagpapatuloy ng dokumento ni yumaong Pope Francis kung saan ang huling major dokumento nito na isang encyclical, na inisyu noong Oktubre 2024 ay may kaparehong pangalan na “Dilexit nos” (He loved us). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here