Home NATIONWIDE Show-cause order ng Comelec tinanggap ni Chiz: ‘No law violated’

Show-cause order ng Comelec tinanggap ni Chiz: ‘No law violated’

305
0

MANILA, Philippines – Tinanggap ni Senador Francis Escudero ang inisyung show-cause order ng Commission on Elections (Comelec), at iginiit na wala siyang nilabag na anumang batas sa pagtanggap ng donasyon ng contractor sa kanyang 2022 senatorial campaign.

“We welcome the opportunity to prove that — like the others who are similarly situated in the PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism) report on the 2022 elections — no law has been violated,” saad sa pahayag ni Escudero.

Ito ay tugon niya sa show-cause order ng Comelec na humihiling sa kanyang magtungo sa opisina sa Oktubre 13 para ipaliwanag ang P30 milyong donasyon na tinanggap niya mula kay Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., para sa kanyang kampanya noong 2022.

Sinabi ni Comelec Chair George Garcia nitong Sabado, Oktubre 4 na inisyu na ang show-cause kay Escudero.

Ayon kay Garcia, aalamin sa pagdinig kung nilabag ng donasyon ang Omnibus Election Code, partikular ang Section 95, na nagbabawal sa konstribusyon mula sa public o private institution, kabilang ang mga contractor, sa sinumang kandidato o political party.

Mismong si Escudero ang nagkumpirma na nag-donate ang Centerways Construction ng P30 milyon sa kanyang kampanya, ngunit iginiit na ang kompanya ay hindi nakakuha ng anumang flood control projects mula sa pamahalaan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here