Home NATIONWIDE Kauna-unahang missile launch sa Israel inako ng Houthis

Kauna-unahang missile launch sa Israel inako ng Houthis

136
0

ISRAEL – Inako ng Iranian-backed Houthi rebels ang missile launch nito patungong Israel na kauna-unahan mula nang magsimula ang giyera sa Middle East.

Ayon naman sa Israeli military ay naharang nila ang projectile.

Ito ay kasunod ng isang buwan nang giyera na sumiklab nang atakehin ng Estados Unidos at Israel ang Iran na gumanti naman ng mga strike laban sa Israel at iba pang Gulf Arab states.

Nagdulot naman ito ng matinding pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa limitadong access sa Strait of Hormuz na mahalagang daanan ng mga barko.

Inaasahang mas magpapatindi pa ng sitwasyon sa Middle East ang pakikialam ng Houthi sa giyera sa pagitan ng US, Israel at Iran.

Ayon kay Houthi Brig. Gen. Yahya Saree, naglunsad ng barrage ng ballistic missiles ang Houthis patungo sa inilarawan niyang “sensitive Israeli military sites” sa southern Israel.

Ang pag-atake ay ilang oras matapos magpahiwatig si Saree na lalahok sa giyera ang mga rebelde. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here