Home NATIONWIDE Kauna-unahang mobile soil lab pinasinayaan ni PBBM

Kauna-unahang mobile soil lab pinasinayaan ni PBBM

198
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Agriculture – Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM) ang kauna-unahang Mobile Soil Laboratory (MSL) ngayong Biyernes, Disyembre 6, sa Malacanang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng pagtutok ng kanyang administrasyon sa agrikultura.

Ang MSL ay isang state-of- the- art na 10 wheeler truck na may mga makabagong kagamitan upang suriin ang 42 soil parameters.

Unang mag-ooperate ito sa San Ildefonso, Bulacan, partikular sa National Soil and Water Resources Research Development Lowland Pedo-Ecological Zone.

Makikinabang ang mga magsasaka sa wastong soil data para sa epektibong paggamit ng pataba, mapahusay ang ani at mapaganda ang produksiyon.

Kaugnay nito inianunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang planong pagbili ng dagdag na 16 na MSL units. Ikakalat ito sa iba’t ibang rehiyon upang madaling magamit sa pagsuri ng lupa.

“Naayon ito sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalakas ang ani ng mga magsasaka at madagdagan ang kanilang kita,” ani Secretary Tiu Laurel.

Pinapurihan ng kalihim ang BSWM dahil sa pagpapaganda sa kanilang mga pasilidad, mga kagamitan at training programs. Ang mga pagsisikap na ito ay may layuning mapatatag ang serbisyo sa pagsusuri ng lupa sa buong bansa.

Pinasalamatan ni Secretary Tiu Laurel sina Pangulong Marcos at Senator Cynthia Villar sa kanilang suporta. Tinukoy nito ang kanilang pangako para sa masaganang ani at angkop na pangangailangan.

Ang inisyatibang MSL ay bahagi ng adhikain ng gobyerno para sa mas malawak na pagsusulong ng modernisasyon sa agrikultura.

Sa pamamagitan ng paghahatid ng napapanahong soil data, isusulong ng programa ang tamang paraan ng pagsasaka at angkop na mga pamamaraan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here