Home METRO Kawani ng munisipyo arestado sa shabu

Kawani ng munisipyo arestado sa shabu

DAVAO CITY- ARESTADO ang isang kawani ng munisipyo matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation nitong Lunes, Abril 15 sa lungsod na ito.

Ang suspek ay kinilala lamang sa alyas Makoy, nasa hustong gulang at residente ng New Society Village sa Barangay Ilang, Davao City.

Sa report ng Sasa Police Station, bandang 6:51 AM nang madakip ang suspek sa nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang 3.99 gramo ng shabu na may market value na P55,860.

Sinabi ng pulisya na nasa top 9 city level drug personality watchlist sa Davao City ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico