Home METRO Kawani ng munisipyo tiklo sa droga

Kawani ng munisipyo tiklo sa droga

95
0

CAPIZ- Arestado ang isang kawani ng munisipyo sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad, iniulat kaninang umaga sa bayan ng Sapian.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng Sapian Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Heffrey”, 51-anyos, empleyado ng munisipyo at residente ng Sitio Malinong, Brgy. Poblacion Sapi-an, Capiz.

Sa report ng Sapian-MPS, nadakip ang suspek sa Sitio bakan, Barangay Majanlud, Sapi-an, Capiz at nakunan ito ng limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at P500 buy-bust money.

Nabatid na dating drug surenderee ang suspek subalit muli itong bumalik sa ilegal na aktibidades.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here