Home HOME BANNER STORY Magna Carta of Filipino Seafarers law tinintahan ni PBBM

Magna Carta of Filipino Seafarers law tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang Republic Act 12021 o Magna Carta of Filipino Seafarers Law para maging ganap na batas.

Ang ceremonial signing ng Magna Carta of Filipino Seafarers ay idinaos sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

“The Magna Carta of Filipino Seafarers institutionalizes the protection of Filipino seafarers’ rights. It will also serve as a guarantee to the international community that the Philippines will comply with its obligations to international conventions,” ayon sa ulat.

Matatandaang, sinertipikahan ni Pangulong Marcos ang Magna Carta of Filipino Seafarers bilang urgent measure noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ipinaliwanag ng Magna Carta ang papel ng mga ahensya ng gobyerno at stakeholders para makamit ang karaniwang layunin para igarantiya ang “accountability, efficiency, at clarity” para sa proteksyon ng mga seafarers. Mapoproteksyunan din nito ang seafarers mula sa mapanganib na aksyon at banta sa kanilang kabuhayan gaya ng “ambulance chasing.”

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang bagong nilagdaang batas ay para igiit ang karapatan ng seafarers, kabilang na rito ang ”right to just terms and conditions of work; right to self-organization and to collective bargaining; right to educational advancement and training at reasonable and affordable costs; right to information; the right to information of a seafarer’s family or next of kin; and the right against discrimination.”

Bibigyan din ng batas ang Filipino seafarers ng karapatan sa “safe passage at safe travel, consultation, free legal representation, agarang medical attention, access sa communication, record of employment o certificate of employment, patas na pagtrato sa event ng maritime accident.”

Sinabi ni Escudero na iisa-isahin ng batas ang mga tungkulin ng seafarer, gaya ng pagtugon at pagsunod sa terms and conditions ng employment contract at maging masigasig sa pagganap sa tungkulin na may kinalaman sa barko. Kris Jose