Home METRO Kawatan, sinalvage umalingasaw

Kawatan, sinalvage umalingasaw

175
0

TALISAY CITY- PINANINIWALAAN biktima ng salvage o summary execution ang isang lalaki na kilalang kawatan sa kanilang lugar matapos matagpuan ang bangkay nito sa damuhan, kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si si Rameses ‘Cocoy’ Gabutan, 27, at residente ng Purok Abocado, Barangay Jaclupan, Talisay City.

Batay sa report ng Talisay City Police Station, bandang 7:30 AM noong Lunes natagpuan ang bangkay ng biktima na may mga tama na bala sa katawan sa damuhan bahagi ng Purok Kawayan, Barangay Jaclupan, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Epream Paguyod, hepe ng Talisay City Police Station, kilala ang biktimang magnanakaw sa lugar at nakulong na rin ito dahil sa iligal na droga at sugal.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here