CEBU- NAKASUBSOB ang mukha at wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki na pinaniniwalaan nabagok ang ulo nito sa sobrang kalasingan, iniulat nitong Martes ng umaga sa Naga City.
Kinilala ang biktima na 50-anyos at residente ng Purok Banaba A, Barangay Alpaco, Naga City.
Batay sa report ng Naga City Police Station, bandang 6:00 AM ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa kanal ng kanyang kapitbahay sa nabanggit na lugar.
Bago ang insidente, nakitang buhay ang biktima noong Sabado Oktubre 27, 2024, na nakikipag-inuman sa kanyang kaanak sa nabanggit na lugar at ng malasing ay nagpasya na itong umuwi sa kanilang bahay.
Subalit sa sobrang kalasingan ng biktima ay posibleng nahulog ito sa kanal at tumama ang ulo sa bato na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman kung walang foul play sa naturang insidente./Mary Anne Sapico