Manila, Philippines – For sometime, naisyung mabubuwag na ang tambalang KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad.
Wala na kasing proyektong magkasama ang dalawa.
Si Alexa ay nagpo-pokus sa kanyang singing impersonation sa isang talent reality show samantalang si KD ay nasa cast ng play na “Bagets The Musical.”
May followers ding abangers sa kanila kung mabibigyan pa ba sila ng sariling serye as a love team.
Recently naman, umusok uli ang social media nang mapikon si KD sa isang netizen.
May faney kasing nagpahaging na tila pinalitan na niya si Alexa.
Nabigyang kulay kasi ang pagla-livestream ng babaeng castmate niya sa nasabing musical kung saan naitutok ang kamera sa kanya.
Umalma rin si KD sa mga kuwentong ipinakakalat tungkol sa kanyang personal na buhay.
Tinawag pa niyang classless at chaka ang mga nang-iintriga sa kanila ni Alexa.
Sa palitan naman ng komento, may nagsabing ilang miyembro ng fandom ni KD na tinatawag na Kaydets ang umano’y nagbitiw rin ng masasamang komento laban kay Alexa.
Katunayan, hinikayat din nito ang aktor na pagsabihan din ang kanyang mga tagasuporta.
Hirit naman ni KD, hindi niya diumano kinukunsinti ang anumang uri ng online harassment.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa nasabing isyu.
“Pansin ko, medyo mapagpatol siya lately. Takot ba siyang mawala si Alexa?”
“Wild at delulu naman kasi ang fans nila.”
“Sakit naman sa tenga noong classless at chaka. Hahaha.”
“Chaka. Para namang GGSS. Hehe.”
“Konyo style raw.”
“Bakit kaya takot siyang mawala si Alexa?”
“They still need each other.”
“Sobra rin naman kasing abusado at toxic ang fandom nila.” Archie Liao