Home ENTERTAINMENT Keempee, emosyunal, inalala ang pakikipagbati kay Joey!

Keempee, emosyunal, inalala ang pakikipagbati kay Joey!

Manila, Philippines- June 15, 2024. Sabado. Father’s day.

Ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ni Keempee de Leon sa tanang buhay niya.

This was when he paid his father TV host-comedian Joey de Leon a visit at the studio of Eat Bulaga on TV5.

Umabot din nang limang taong kimkim ni Keempee ang kanyang hinanakit sa ama.

Dala rin daw ‘yon ng pagkakasibak sa kanya sa EB noong 2015 sa ‘di niya malamang dahilan.

Out of depression, he locked himself up inside his room.

He also turned to drinking.

Sinadya rin daw niyang putulin ang kanyang komunikasyon sa kapatid na si Cheenee kahit malapit lang sa kanya ang tinitirhan nito.

Nakatulong kay Keempee ang pagiging isang born again Christian to make him realize his mistakes.

Ito rin daw ang nagturo sa kanya na iwaksi na ang kanyang pride toward Joey at magpakumbaba.

Then came June 15 last year.

Bantulot pa raw siyang bumaba sa kanyang sasakyan patungo sa EB studio.

Kaswal lang naman daw ang muli nilang pagkikita ni Joey.

Nag-sorry siya rito dahil para sa kanya, magulang pa rin niya ang kanyang kasamaan ng loob.

Sumunod nilang pagkikita was in September, muli raw nakatapak si Keempee sa Green Meadows residence ng ama at ng partner na si Eileen Macapagal na nag-birthday ng araw na ‘yon.

Naroon pa rin daw ang kanyang pag-aalinlangan pero tuluyan na itong napawi.

Umiyak pa nga raw ang kanyang half-sibling na si Jocas dahil sa tagal na ‘di ito nagpapakita.

Keempee is now back in harness.

Balik-GMA siya via Prinsesa sa City Jail.

In a sense, pinalaya na din ni Keempee ang kanyang sarili from the shackles of self-pride. Ronnie Carrasco III