Home ENTERTAINMENT Ruffa, pumalag sa tsikang kritikal siya!

Ruffa, pumalag sa tsikang kritikal siya!

Manila, Philippines – The proliferation of fake news on social media just won’t stop.

Ang latest na biktima nito ay si Ruffa Gutierrez.

Sino ba naman ang hindi mabubuwisit sa headline pa mandin na: “Ruffa kritikal sa ospital!” at “Please pray for Ruffa!”

Ipinost ito ni Ruffa kabilang ang accompanying photo showing Herbert Bautista, umiiyak na Annabelle Rama at isang babaeng nakaratay sa hospital bed na pinalabas na si Ruffa.

Lantarang binansagang fake news ito ng aktres.

Aniya, limang kaibigan na raw niya ang nagsabi nito sa kanya–even sending her the post.

Kaya buwelta ni Ruffa: “If it’s not from my Instagram, X (dating Twitter) or FB, it’s fake news!”

Obyus naman kasing malayung-malayo ang post na ‘yon sa mga entries sa legit social media account ng aktres.

Her latest pics show how gorgeous Ruffa is.

Nag-post pa siya ng: “Thinking of a new haircut, style and color for 2025. Any suggestions?”

Si Ruffa pa ba ang gagawan nila ng “health scare” na pekeng balita?

Saka it’s already 2025–maanong magtigil na ang mga fake news purveyors na ‘yan!

Spell K-A-R-M-A! Ronnie Carrasco III