Home NATIONWIDE Kelot arestado sa P.2M droga sa Candon City buy-bust ops

Kelot arestado sa P.2M droga sa Candon City buy-bust ops

ILOCOS SUR-Swak sa kulungan ang isang 23-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Oaig Daya, Candon City ng lalawigang ito kaninang 1:51 ng madaling-araw.

Kinilala ng Candon CPS ang suspek na si alyas “Puraw”, walang asawa, residente ng Magsingal, Ilocos Sur.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel ng Candon CPS (lead unit) kasama ang mga personnel mula sa ISPDEU, ISPIU, at 2nd ISPMFC in coordination with PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng limang large heat-sealed transparent plastic sachet at isang medium heat-sealed transparent plastic sachet.

Tinatayang nasa 37.23 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P253,164.00 ang nakumpiska ng mga otoridad.

Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska ring mga non-drug evidence ang mga otoridad tulad ng dalawang kulay itim na coin purse, isang kulay blue na Realme cellphone, at P122.00 na personal money ng suspek.

Narekober din ng mga otoridad ang ginamit na buy-bust money na karamihan sa mga ito ay mga boodle money.

Sinaksihan ng mga mandatory witnesses (as mandated by law) at ng suspek ang nangyaring inventory at markings sa mga nakumpiskabg ebidensya. Rolando S. Gamoso