Home METRO “Pokwang” patay sa pamamaril

“Pokwang” patay sa pamamaril

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae matapos barilin sa mukha ng hindi nakilalang lalaki sa Caloocan city.

Hindi na nagawang isugod sa pagamutan ang biktimang nakilala sa alyas na Pokwang, 34 residente ng barangay 28 ng nasabi ring lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala sa mukha na agad nitong ikinasawi.

Nabatid na bago mag alas 7:00 Martes ng gabi nakitang nakaupo ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Martinez extention ng nasabing barangay ng lapitan ito ng nag iisang salarin at agad na pinaputukan ng dalawang ulit.

Matapos bumulagta ang biktima ay agad ding tumakas ang salarin sa hindi nabatid na direksyon.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. Rene Manahan