
MASINLOC, Zambales — Nanawagan si Senate Majority Leader Senator Francis ‘Tol’ Tolentino sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan, partikular sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para bigyan ng alternatibong kabuhayan ang grupo ng mangingisdang apektado ng patuloy na sigalot sa West Philippine Sea (WPS).
Noong Lunes, binisita ni Tolentino ang tatlong coastal municipalities – Sta. Cruz, Masinloc, at Subic sa lalawigang ito at namahagi ng tulong sa mahigit 500 mangingisda.
Pinangunahan din niya ang pulong sa bulwagan ng bayan na tinaguriang, ‘Talakayang WPS,’ kasama ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan mula sa BFAR at Philippine Coast Guard (PCG), gayundin ang mga pinuno at miyembro ng iba’t ibang kooperatiba at asosasyon ng mga mangingisda.
“We will explore what alternative means of livelihood can be provided, and I promise to press our government agencies to assist you,” paniniyak ng senador sa mga mangingisda.






